Xian lantaran na ang bagong GF?

HOT topic ng mga marites ang mga kumakalat na larawan ng Kapuso actor na si Xian Lim at ng film producer na si Iris Lee.

Sa Facebook page ng Watanabe Riding Development, isang riding school, makikita ang photo ni Xian na nakaakbay kay Iris na hawak naman ang kanyang kamay.

Maliban kay Xian, nasa larawan din ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo at rumored girlfriend na si Dia Mate.

Inulan naman ng pintas si Irish mula sa mga fans ni Kim Chiu, ang Kapamilya TV host-actress na dating girlfriend ni Xian.

“Mukhang matanda na parang ate nya.”

“Mas maganda pa c kim.”

“Chararat talaga e.”