Xander Ford nagpasaklolo sa publiko para sa tatay

UMAPELA sa publiko si Xander Ford para sa kanyang ama na may karamdaman.

Isinapubliko ni Xander ang larawan ng ama na tila hirap na hirap sa karamdaman kaya naman todo ang dasal niya para gumaling ito.

Sa Facebook, sinabi ni Xander na hindi niya alam kung paano mapapawi ang sakit na nararamdaman ng ama.

“Lord hindi ko alam paano ko tutulungan ang papa ko grabe na ang sakit na nararamdaman nya.

“Sobrang payat na ng papa ko hindi na sya nakain hindi na sya nainom gamot dina sya masyado makalakad.

“Alam ko lord marami akong pagkukulang…pero nakatulong naman po ako sa ibang tao sana kahit si papa lang po matulungan nyo po,” dasal ni Xander.

Pinalakas din niya ang loob ng ama at sinabi na babawi siya rito.

“Papa kahit anong mang yari kapit kalang pag ok kana ipapagawa ko yang hinihigaan mo at bibilhan kita ng gusto mo pasensya kana kung naging makasarili ako papa sana lakasan mo pa para makasama mo apo mong si xeres papa,” aniya.