Xander Ford binayaran para i-bash si Kathryn Bernardo

INAMIN ng social media personality na si Xander Ford na tumanggap siya ng pera para i-bash ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa panayam ni Ogie Diaz, humingi ng paumanhin si Xander, Marlou Arizala sa totoong buhay, kay Kathryn sa kanyang mga pamimintas rito.

“Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa mga fans. Pero ‘yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn nang personal, na makapaghingi ako ng sorry,” ani Xander.

Isa sa paulit-ulit niyang ibinato kay Kathryn ay ang pagiging sakang umano nito.

“Actually, dun sa content na ‘yun, labag po sa kalooban ko ‘yun. Sabihin na natin na content. Kinontent, bayad ako,” aniya.

Tanggap ni Xander na dahil sa ibinunyag niya ay lalong dadami ang kanyang bashers.

Pero pakiusap niya: “Okay lang po kami ang ibash ninyo, ‘wag lang po ‘yung magiging baby namin. Please lang.”

Hindi naman binanggit ni Xander kung sino ang nagbayad sa kanya para insultuhin si Kathryn.