Willie niratrat si Gab Valenciano?

NANINIWALA ang mga netizens na si Gab Valenciano ang pinatutungkulan ni Willie Revillame na isa sa mga showbiz personalities na walang utang na loob makaraan niyang tulungan.

Sa kanyang litanya sa “Wowowin” kamakailan, binanatan ni Willie ang ilang tao na natulungan niya noon pero natutuwa ngayon sa balitang mawawala na sa ere ang kanyang TV show.

Isa sa mga ito, hula ng netizens, ay si Gab na naging direktor ng show noong nasa GMA-7 pa ito.

“’Yung isa, nag-Ingles-Ingles ka pa! Naging kasama ka namin sa production. Kapag pumapasok ka, di ba natutulog ka? Papasok ka sa dressing room ko, ‘Kuya Wils, I cannot do this. You know, I feel so dizzy.’ May mga ganoon-ganoon ka pa sa akin.

“Baka nakakalimutan mo, ikinasal ka sa Tagaytay? Sa akin natulog ang nanay at tatay mo, sa bahay ko sa Tagaytay. Ang galing-galing mong sumayaw, malapit ka sa Diyos, ang pamilya mo. Nagko-comment ka ngayon.

“O ano, baka nakalimutan mo, kinupkop ko kayo noong kakasalin ka sa Tagaytay? Napahiwalay ka. Doon natulog sa akin ang tatay at nanay mo.

“Hindi ko ito isinusumbat. Iyan ang gusto n’yo, malaman ng mga tao ‘yung totoo. Huwag kayong ganyan! Tumingin kayo sa pinanggalingan… tumingin kayo sa inutangan n’yo ng utang na loob dahil ako, marunong ako ng utang na loob,” sey ni Willie.

Bago ito, nag-post ng cryptic post si Gab ukol sa isyu na kinasasangkutan ng isang “powerful” na personalidad.

Aniya: “I haven’t been as vocal for a while but I can no longer suppress my thoughts. I will just say this. Your power to persuade people through gaslighting your whole life has run out. What goes around will always come back around. Filipinos are waking up, you should too.”