Willie itinangging nabuntis si Hipon Girl

TODO-TANGGI si Willie Revillame na nabuntis niya ang co-host niyang si “Hipon” kaya wala ito sa programa niyang “Wowowin.


Sa episode ng programa Huwebes, iginiit ni Revillame na fake news na nabuntis niya si “Hipon” o Herlene Budol sa totoong buhay.


“Nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa n’yo,” ayon sa TV host.


“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala diyan. Pati mga taong nanahimik,” aniya pa.


Sinabi ni Revillame na plano niyang ireklamo sa National Bureau of Investigation ang mga nasa likod ng tsismis. –A. Mae Rodriguez