Vice pangarap magka-baby, sumikat sa Hollywood

KUMPLETO na sa buhay si Vice Ganda, pero magiging lubos ang kaligayahan niya kung matutupad ang dalawa pa niyang pangarap.

Ito ay ang magkaroon sila ng anak ng asawang si Ion Perez at maka-penetrate sa Hollywood.

“[My] dream is magkaroon ng sarili kong anak. Pero hindi ko minamadali. Hindi ko pini-pressure yung sarili ko na matanda na ako kailangan magkaroon ako ng anak,” aniya sa isang interview.

“If it will happen, I will embrace the moment when it happens. Pero for now, okay lang din hkung wala kasi ito ang binibigay sa akin na buhay ng Diyos,” dagdag niya.

“Pangalawa ‘yung suntok sa buwan. Pero hindi ko rin naman kumbaga pini-pressure yung sarili ko na dapat mangyari na pag hindi malulungkot ako. Yung maka-penetrate internationally. Kunwari ngayon, okay naman ang career ko sa Pilipinas,” ayon pa sa TV host-comedian.

“Yung maka-Hollywood, yung ganu’n. Yung malaki yung pangarap na yun. Siyempre iba yung the Filipino horse makes it to Hollywood, di ba?” sabi pa ng unkabogable star.