Toni Gonzaga hataw sa ‘My Sassy Girl’

MAAGA pa lang ay marami nang bumabati kay Toni Gonzaga dahil hataw ang kanyang pelikulang pinagbibidahan kasama si Pepe Herrera na “My Sassy Girl”.

Sa opening day ng pelikula, umabot na sa P5.2 milyon ang bentahan ng tiket nitong Enero 31, anunsyo ng Viva Films na siyang producer ng nasabing movie.

“Ramdam na ramdan na ang #MySassyGirlPHFever! Maraming salamat po sa mga unang nanood ng #MySassyGirlPH dahil P5.2 million ang total opening day gross! We feel your love! This is the romcom movie you need ngayong season of love,” ayon sa post nito sa social media.

Ang “My Sassy Girl” ay adaptation ng South Korean film na ipinalabas noong 2001.