Toni Gonzaga buntis nga ba?

ITO ang tanong ng publiko makaraang kumalat ang chika na nagdadalang-tao ang host-actress na si Toni Gonzaga.

Nagsimula ang kwento kay Reggee Bonoan ng Inquirer Bandera na sinabing “kumpirmado” na nasa interesting stage ang misis ni Paul Soriano.

“Kumpirmadong buntis si Toni Gonzaga-Soriano pero ayaw daw muna itong isapubliko,” ani Reggee sa kanyang kolum.

“Wala pang pag-amin mula sa kampo ng mag-asawa. At maging sa ang mga magulang ng TV host-actress-producer na sina Daddy Bono at Mommy Pinty Gonzaga ay tikom din ang bibig,” dagdag niya.

“Himalang tahimik” din aniya ang kapatid ni Toni na si Alex ukol sa isyu.

Hirit pa ng Inquirer Bandera columnist, tila natatakot ma-stress si Toni sa sasabihin ng bashers kapag isinapubliko ang balita.

“Wala pang planong ilantad na buntis si Toni, pati kung ilang buwan ay hindi rin sinabi siguro may hinihintay na perfect time, saka baka kasi ma-stress pag isinapubliko na nila. Alam mo naman ang netizens baka kung ano lang ang masabi,” sey umano ng source ni Reggee.

Inalmahan naman ng ilang supporters ni Toni ang balita dahil anila ay flat na flat ang tiyan nito sa video ng interview niya kay Maritoni Fernandez na ipinost sa YouTube wala pang tatlong araw.

Naka-body hugging dress sa interview si Toni, ayon sa kanila, at walang kaumbok-umbok ang tummy nito.