Third party sangkot sa hiwalayang Tom-Carla?

KUNG paniniwalaan ang blind item ng radio host na si Mr. Fu, naghiwalay na ang celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil sa third party.

Sa show na “Take It… Per Minute, Me Ganun” nina Cristy Fermin, Lolit Solis and Mr. Fu, nagpa-blind item si Fu ukol sa mag-asawang taga-showbiz na kakakasal lang pero naghiwalay na.

Sinabi ni Cristy na nahulaan niya ang mga bida sa blind item habang pinangalanan ni Lolit ang mga ito na sina Tom at Carla.

Matatandaan na nitong January 7 ay nag-share ng cryptic post si Carla ukol at iba’t-ibang klase ng luha.

“Someone recently told me that emotions are chemical levels in your brain and your body is constantly trying to maintain equilibrium,” aniya.

“So if one emotion sky rockets, that chemical becomes flagged and signals the tear duct to open as an exit to release that emotion packaged neatly within a tear,” dagdag ng aktres.


Samantala, nag-share din si Tom ng cryptic post tungkol sa pang-iiwan.

“And now you’re leaving just like that. Why do you have to go? Why are you leaving? Where are you going? What are you gonna do? Just throw away your life like it was nothing?” sabi ng isang karakter sa video post ng aktor sa Instagram.

Sa kasalukuyan ay pina-follow na nina Tom at Carla ang isa’t-isa sa IG matapos maiulat nitong Martes na hindi nila pina-follow ang isa’t-isa.