Magsayo: Walang ‘next Manny Pacquiao’

WALANG susunod na Manny Pacquiao.

Ito ang iginiit ng pinakabagong hero ng bansa sa larangan ng sports na si Mark Magsayo.

Si Magsayo ang sinasabing susunod na “Manny Pacquiao” ngunit giit ng boksingero na walang makakatapat sa Pambansang Kamao.

Sa kanyang pagharap sa WBC’s Coffee Tuesdays, duda si Magsayo na kaya niyang lagpasan o tapatan man lamang si Pacquiao.

Gayunman, susundan aniya niya ang yapak ni Pacquiao.

“There’s no next Manny Pacquiao, there’s only one Manny Pacquiao and I’m following his footsteps,” ayon kay Magsayo. “He’s my idol since I was a kid, he was my hero there in the Philippines. He’s my hero.”

Tinalo ni Magsayo ang defending champion na si Gary Russel Jr sa WBC featherweight title nitong Linggo via majority decision (24-0).

Hawak ni Russel ang korona sa loob ng anim na taon at 10 buwan.