Suspendidong JRU player na si Amores inasunto

KINASUHAN na ang suspendidong manlalaro ng Jose Rizal Univeristy (JRU) na si John Amores ng multiple physical injuries sa San Juan Prosecutors Office kaugnay ng ginawang panununtok sa mga manlalaro ng College of Saint Benilde. 

Sinamahan ang mga player na sina Jimboy Pasturan at Taine Davis ng kanilang coach na si Charles Tiu at mga abogadao sa pagsasampa ng kaso laban kay Amores.

Nagtamo si Pasturan ng black eye matapos na suntukin ni Amores, samantalang kinailangan namang sumailalim sa CT scan ni Davis matapos masuntok sa panga.

Nauna nang isinulong na patawan ng lifetime ban si Amores sa anumang laro.

Matatandaang nahinto ang laro sa pagitan ng JRU at Saint Benilde matapos ang ginawa ni Amores.