Sorry na lang: Apela ni Rendon, tinanggihan ng TikTok

MAINIT nga ba talaga ang dugo ng TikTok sa motivational speaker na si Rendon Labador kung kayat tinanggihan nito ang apela ng huli.

Sa kanyang post sa Facebook, ipinaalam ni Rendon na inayawan ng TikTok ang kanyang apela na ibalik ang kanyang account.

“TIKTOK AYAW NINYONG MARINIG ANG KATOTOHANAN???🤦‍♂️ Pag hindi ako nakabalik sa tiktok, magiging habang buhay na tanga ang mga users ninyo.”

“TikTok Philippines 🇵🇭 Pangalawang “APPEAL” rejected parin?🤦‍♂️ Ano ang masasabi ninyo sa desisyon ng tiktok? TAMA BA O MALI??? #stayMotivated

Inulit ng TikTok ang naging desisyon nito kung bakit tinanggal ang account ni Rendon. Ayon sa social media giant, nag-violate si Rendon sa “community standard” na ipinaiiral ng TikTok.