Shaira kumain ng 60 manok para ma-meet si Lee Min Ho

PARA makadalo sa fan meet ng Korean superstar na si Lee Min Ho ay kumain ng 60 piraso ng chicken ang actress-host na si Shaira Diaz.

Sa panayam ni Pia Arcangel, isiniwalat ng fiancee ni EA Guzman na pinatulan niya ang challenge ng isang Korean restaurant na namimigay ng ticket para sa meet-and-greet.

Sey ni Shaira, bago bigyan ng ticket sa fan meet ay kailangan muna na kumain ng 60 piraso ng chicken.

“Tinawag ko ‘yung mga kapatid ko, si Edgar, tapos para lang magkaroon ng ticket para kumain kami ng 60 na manok. Hahahaha! Tapos ayun talagang pumila po talaga kami,” chika ni Shaira.

Mabuti na lang daw at talagang mahilig sila sa manok kaya nagawa nila ang challenge.

Bukod kay Lee Min Ho, bet na bet din ni Shaira sina Jungkook ng BTS at Song Joong Ki.