SB19 pasok sa Teen Vogue most favorite boy bands of all time

FOR sure nagdidiwang ngayon ang ATins matapos makapasok ang Pinoy-pop group na SB19 sa listahan ng fashion magazine na Teen Vogue’s favorite boy bands of all time.

Kalinya ng SB19 sa listahan ang global phenomenon na K-pop group na BTS, The Beatles and One Direction.

In no particular order, may 33 boy bands sa Teen Vogue. Nakalista ang SB19 sa number 18 at napapagitnaas ng 1980s band na Menudo mula sa Puerto Rico at All-4-One na sumikat naman noong 1990s.

Isa sa nagpakilig sa Teen Vogue na kanta ng SB19 ay ang “What” na nagpasikat sa kanila nang bongga after ng isa pang hit single na “Bazinga.”