Maid in Malacanang’ star Ruffa Gutierrez inasunto ng kanyang 2 ex-maid

PINAGPAPALIWANAG ng National Labor Relation Commission ang “Maid in Malacanang” actress na si Ruffa Gutierrez hinggil sa reklamo na inihain laban sa kanya ng dalawang kasambahay na diumano’y kanyang pinalayas.

Ayon kay dating Comelec Commissioner at ngayon ay P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon, na inireklamo ng dalawang dating maid ni Gutierrez ang kanilang amo para sa backwages at danyos.

“The 2 former kasambahay of Ruffa G wna taka kabankalan negros occidenral filed a complaint in the NLRC for backwages and damages,” ayon kay Guanzon sa kanyang Twitter post.

Matatandaan na nagkasagutan sa social media si Guanzon at Gutierrez matapos mag-usisa ang dating opisyal ng Comelec hinggil sa diumano’y pagpapalayas na ginawa ng aktres sa dalawa niyang kasambahay.

Pinabulaanan naman ni Gutierrez ang bintang sa kanya.