Pokwang ipinagtanggol rumored GF ni Sandro Marcos

DINIPENSAHAN ni Pokwang ang young actress na si Alexa Miro, ang rumored girlfriend ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na tinawag na bobo ng isang netizen.

Ayon kay Pokwang, personal niyang kakilala si Alexa at napatunayan niyang matalino ito.

“Hello po mawalang galang na po sa inyo po pero kilala ko po ang batang yan nakatrabaho ko po ng halos isang taon tatlong beses sa isang linggo,” sey ng komedyana.

“At masasabi ko matalino at mabait na bata po si alexa sana maging happy nalang po tayo sa salitang PAG IBIG,” dagdag ni Pokwang.

Nagkatrabaho sina Pokwang at Alexa sa TV5 game show na “Fill In The Bank.”

Sinagot ni Pokwang ang isang basher na sinabi na “sana ay may utak” si Alexa sa comment section ng isang online article ukol sa pagdalo ng young actress sa inauguration ni Pangulong Bongbong Marcos, ama ni Sandro.

Maraming beses na ring na-bash si Alexa makaraan iulat na may namamagitan sa kanila ng batang politiko.