Payo ni Lolit kay Ai Ai: Laos ka na kaya dapat mabait ka na

IPINAGTANGGOL ng showbiz writer at talent manager na si Lolit Solis si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pag-spoof dito ni Ai Ai dela Alas na tinawag niyang laos.

Sa panayam kay Belmonte, sinabi ni Solis na below-the-belt at offensive ang mga sinabi at ginawa ng komedyana sa campaign advertisement nito para sa isa pang kandidato sa pagkaalkalde ng siyudad na si Mike Defensor.

“Ako very naughty rin ako e, salbahe din ako, ‘di ba? Siyempre kapag binayaran ako, gagawin ko ‘yung inutos nu’ng nagbayad sa akin, di ba?

“Pero halimbawa, kahit binayaran ako, ‘pag alam ko naman na medyo hindi naman totoo at saka offensive du’n sa gagawan ko ng video, ano, medyo sasabihin ko ‘yun du’n sa nag-utos, ‘di ho ba mas panget kung ginawa natin ‘to baka sa atin pa bumuwelta, ‘di ba?

“Gaya ng sabi ni Ai Ai, meron siyang minention na babalu, babalina, ‘no, talaga namang mahaba baba niya, ‘no, o ba’t kailangan pa niyang i-associate kung kanino ‘yung baba niya, ‘di ba?

“At saka para sa isang laos na artista na tulad niya dapat medyo mabait ka na kasi laos ka na, nasa baba ka na, eh. Hindi na siya sikat ‘no, hindi na siya kailangang magsalita,” mahabang rant ni Solis.

Nagpasaring din siya kay delas Alas na malaki siguro ang ibinayad dito para gawing katatawanan si Belmonte.