Ogie Diaz: Shut up, Juliana, hindi ikaw pinariringgan ni Vice Ganda

PINAYUHAN ni talent manager-vlogger Ogie Diaz ang komedyanang si Juliana Parizcova Segovia na manahimik na dahil hindi ito ang bida sa blind item ni Vice Ganda ukol sa isang internet troll.

Ayon kay Diaz, nalaman na niya kung sino ang pinatutungkulan ni Vice ukol sa kakilala nito na nagtatrabaho bilang troll dahil kapos sa pera.

“Juliana Parizcova. Sorry to tell you. Hindi ikaw ang tinutukoy ni Vice,” ani Diaz.

“Mapanatag na ang loob mo. Kaya ‘wag ka nang masyadong magsasasagot kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nanghihingi thru gcash,” dagdag nito.

“Unless gusto mong patulan nag-eenjoy ka o iba ‘yun. Kasi ine-enjoy mo ‘yung pagpatol kumabaga ine-enjoy mo na ang mga bashers. ‘Di ba? Kaya dedma na Juliana,” ayon pa kay Diaz.

Matatandaan na inalmahan ni Juliana at mga kaibigan niya ang patutsada ni Vice kaugnay sa kakilala nitong troll kahit pa walang pangalang binanggit ang TV host-comedian.