Paolo Contis, Kuya Kim, Betong pamalit daw sa TVJ sa ‘Eat Bulaga’

MAINIT ang usap-usapan na may papalit na sa TVJ (Tito, Vic and Joey) ng “Eat Bulaga” sa ieereng noontime show simula sa Lunes, Hunyo 5, 2023.

Ayon sa mga chika, pangungunahan ni Paolo Contis, Buboy Villar at Betong Sumaya, ang programang “Eat Bulaga” sa bagong pamunuan ng TAPE Inc. matapos magbitiw ang troika nina Tito, Vic at Joey nitong Huwebes.

Sa panayam ng PEP kay Paolo, sinabi ng huli na hindi pa sila maaaring magsalita hinggil dito, bagamat nagsimula na umanong mag-rehearse ang mga ito nitong Sabado, Hunyo 3, 2023.

Hindi pa raw sila puwedeng magsalita.

Kinausap na rin umano si Kuya Kim Atienza para makasali sa programa.

Makakasama rin umano sa programa ang mga anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi, at Alexa Miro.