Pamilya ni Kim hindi talaga bet si Xian?

KUNG ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang paniniwalaan ay noon pa pala ay hindi na boto ang pamilya ni Kim Chiu sa ex-boyfriend nitong si Xian Lim.

Sa latest episode ng kanyang “Showbiz Now Na,” sinabi ni Cristy na ayon sa kanyang source, simula pa lang ay tila may nakita ng kakaiba kay Xian ang pamilya ni Kim.

“Mula pa pala noon, hindi na pala boto ang pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim. Maaaring may nakikita silang kakaiba, maaring mayroon silang napapansin, kasi bihirang-bihira yung… wala talaga halos tayong makita na kasama ni Xian ang pamilya ni Kim Chiu,” aniya.

Dagdag ng showbiz insider, kontra-pelo si Xian sa lahat ng mga plano ni Kim. Hindi nagkakasundo (ang dalawa),” dagdag niya. Isa umano sa mga umano’y hindi pinaboran ni Xian na ginawa ni Kim ay ang pagpupundar para sa kanyang pamilya.

“Mapagpundar si Kim Chiu. Siyempre nanggaling siya sa isang pamilya na gusto niyang iahon sa kahirapan. Di ba nagkaroon ng problema ang kanyang pamilya? Sinuwerte siya nang mapasok siya ng PBB House.
Natural ito ‘yung pagkakataong nakita ni Kim Chiu para mabigyan ng magandang kapalaran ang kanyang pamilya. Mukhang ayaw daw ni Xian doon sa nagpupundar ni Kim,” sey ni Cristy.

Ayon pa sa kolumnista, diretsa na umanong tinanong ni Kim si Xian kung ano ang plano nito sa kanilang 12 nang pagiging magkasintahan.

“Wala (ang sagot ni Xian) dahil ang kanya raw prayoridad ay ang kanyang karera,” paglalahad pa ni Cristy.