Pagbantay-sarado ni Richard kay Barbie ‘as friends lang’

TODO-DENY ang talent manager-vlogger na si Ogie Diaz na may namamagitan sa Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na naaktuhan sa isang bar nitong weekend.

Kumalat nitong mga nakaraang araw ang larawan ng dalawa na magkatabi sa loob ng Tipsy Pig sa Alabang.

Sinabi rin ng mga saksi na todo ang pag-alalay ni Richard kay Barbie na kahit nang pumasok sa banyo ang aktres ay nakabantay sa labas ng pinto ang aktor.

Giit ni Ogie sa latest episode ng kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update,” isa si Barbie sa mga may-ari ng bar kung saan sila nakitang magkasama ni Richard.

“Yung totoo niyan, si Barbie Imperial ay isa sa mga shareholders ng Tipsy Pig. So, ang may share si Barbie ay sa Tipsy Pig Timog, QC at doon sa Alabang. So, bilang siya ay isa sa mga may-ari ay may obligasyon ‘yung mga may-ari na pumunta sa kanilang mga negosyo para mag-entertain ng mga bisita. Para magpakita sa mga bisita na ‘yun ay puntahan ng mga artista,” ani Ogie.

“Nagkataon lang na kaibigan ni Richard ‘yung lahat ng may-ari ng Tipsy Pig. Parang apat na tables ‘yun. Siyempre, nagte-table hopping ang lolo mo dahil lahat ‘yun ay kaibigan niya,” dagdag niya. Nang makatabi niya si Barbie, doon na nagsimula ang mga tao na kunan sila ng picture.

“So ‘nung naupo siya kay Barbie. Nakunan ng picture. Alam mo kahit sino pang babae ‘yan, lalo na kung ang lalake o ‘yung babae na involved sa isang relasyon, sa isang hiwalayan, tiyak na tututukan ng mga Marites kung sino yung next na makakasama nila,” paliwanag ni Ogie.

Pero, dagdag niya, walang malisya sa pagsasama nina Richard at Barbie sa nasabing establisimento. “Nagkatabi lang sila for like how many minutes daw doon sa table as per my source. Sandali lang ‘yun… pak pak pak lahat ng mga camera,” kuwento pa ni Ogie.

“May nag-video, may nag-picture, pero hindi nila alam ‘yung mga nangyayari doon na mayroong selebrasyon. Dumiretso pa si Barbie sa Poblacion at grineet ang ibang friends and staff ng Tipsy Pig, parang post-Christmas party nila pero wala na roon si Chard,” sabi pa niya.

Mag-isa lang daw na pumunta si Richard sa bar sakay ng motor nito.