Pamilya idinamay sa pamba-bash; Ella Cruz pumalag

PINALAGAN ng aktres na si Ella Cruz ang pagdamay sa kanyang pamilya sa serye ng pambabash sa kanya bunsod ng kontrobersyal niyang pahayag tungkol sa history.

Partikular na inalmahan ni Ella ay ang ginawang pang-iinsulto umano sa kanyang ama sa post ng isang Facebook page na House of Representa-thieves: Butasang Pambulsa.

“Bash me all you want pero wag ninyong idadamay ang pamilya ko,” hirit ni Ella.

Ito ay matapos mag-post ng nasabing Facebook page hinggil sa tatay ng aktres.

Ayon sa post: “Nagsalita na yung tatay ni Ella Cruz yung naka 2% lang noong eleksyon. Kaya hindi umabot ng isanglibo ang bumoto sa yo kc ang turo mo wag masyado matalino sa school ang kailangan ng bayan natin ay matalino na kayang solusyunan ang mga problema ng bayan.”

Matatandaan na sinabi ni Ella, na kabilang sa mga gaganap sa pelikulang ‘Maid in Malacanang’, na ang history ay gaya lang ng chismis.