Pacquiao tinalo South Korean martial artist sa exhibition match

HIGIT isang taon mula nang kanyang huling laban, wagi si Manny Pacquiao sa isang exhibition match kalaban ang South Korean martial artist na si DK Yoo ngayong Linggo sa Goyang, South Korea.

Tinapos ni Pacquiao ang laban sa loob ng anim na round.

Ayon kay Pacquiao, ang kita niya sa nasabing exhibition fight ay gagamitin niya para sa pagpapatayo ng bahay ng mga mahihirap.

Matatandaan na huling sumabak si Pacquiao noong Agosto 2021 kung saan tinalo siya ni Yordenis Ugas via unanimous decision para sa WBA Super welterweight title.

Ang nakalaban ni Pacquiao na si Yoo ay 42-anyos na self-defense instructor at martial arts practitioner.