Ogie todo-iwas sa buntis issue ni Ria

AYAW umepal ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz sa chika na kaya nag-anunsyo ng engagement sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ay dahil buntis na ang aktres.

Matatandaan na kasabay ng pagkumpirma na engaged na sina Ria at Zanjoe ay kumalat ang isang blind item ukol sa umano’y pagdadalang-tao ng isang “aktres na anak ng aktres at kapatid ng aktor.”

“Well, maraming nagtuturo sa comment section. Puro si Ria ang itinuturo. Dahil nag-announce sila ng engagement. Alam mo, kung sakali man na ito’y totoo ‘to, aba, hindi naman tayo magtataka pa,” sey ni Ogie.

“Ilang taon na si Ria, 32? Si Zanjoe, 42? Nasa edad na sila. Hindi na sila mga menor para ipaalala pa sa kanila ‘yung mga pros and cons ng mga mag-asawa, pagbubuntis,” dagdag niya.

At kung totoo man, hirit pa ni Ogie, hindi siya mangangahas na pangunahan ang magkasintahan sa pagbabalita ukol dito.

“Kung sakali mang totoo, bakit tayo ang mag-aannounce? Hayaan natin sila ang mag-announce nun kung sakaling totoo na. Bigay natin ‘yung moment na ‘yun na sila ‘yung mag-aannounce, kasi sila naman ang nakakaalam ng totoo,” sambit niya.