Netizens napa-ewww sa tambalang Aga-Julia

KUNG komento lang ng netizens ang pagbabasehan, sa kangkungan pupulutin ang pelikulang “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” nina Aga Muhlach at Julia Barretto.

May-December affair ang tema ng pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa February 7.

Sa poster na ibinandera ng Viva Films nitong weekend ay makikita sina Aga at Julia na halos maglapat ang mga labi.

Disgusto ang sentimento ng netizens na sinabing hindi bagay ang dalawa dahil bago si Julia ay nakapareha na ni Aga ang mga tiyahin niyang sina Gretchen at Claudine Barretto noong kabataan nila.

Ilan pa sa hirit ng publiko: “Sila partner? Parang ang yuck kasi to think tita Cloud nya kapartner at kkissing scene nuon. Ang eww lang.”

“Baket kasi ginagawa pa ding lover ang character ni aga pwede naman sya sa father role ah.”

“Ako lang ba yung kinilabutan? Bat naman ganun?”

“Kadiri naman.”

“Parang mag ama. Yikes!!”

“Ang sagwa.”

“Parang ang off kasi he watched her grow up tapos ganun. This is so creepy.”

“Imagine halos ka age ni atasha si julia .. so parang nakikipaghalikan sa halos ka age na ng anak.”