Nanalo mang kongresista, Arjo tuloy sa showbiz

BAGAMAN nanalo bilang kongresista ng unang distrito ng Quezon City, hindi aalis sa showbiz industry si Arjo Atayde.

“Actually, kakatapos ko lang rin po mag-shoot for ‘Cattleya Killer’ right before the campaign, but I won’t be stopping showbiz,” chika ni Arjo.

Aniya, itutuloy niya ang pag-aartista ngunit prayoridad na niya ang maglingkod sa publiko.

“Iyan ang aking hanapbuhay. So, I can’t stop that. Of course, I have to prioritize, especially this one (public service). But of course hindi na mawawala sa akin ang pag-aartista. Kasi that’s one thing [that] I love to do the most and at the same time, make a living. Andon ang hanapbuhay ko,” chika ni Arjo.

Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta sa kanya kabilang na ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

“Overwhelming po. My family, Maine, all of my friends are all my backbone. I am just very happy that they’re always there and very supportive so what could I ask for more,” ayon sa aktor.