Moira: I never cheated on Jason

BINASAG na ni Moira dela Torre ang kanyang katahimikan hinggil sa paghihiwalay nila ng asawang si Jason Hernandez.

Sa kanyang statement, sinabi ng singer-songwriter na nasasaktan siya sa mga lumalabas na haka-haka ukol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason,” giit niya.

Kinumpirma ni Jason ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng social media nitong Martes.

Inamin ni Jason na naging unfaithful siya sa kanyang misis.