Moira: Di po ako binayaran ng P5M

TODO-TANGGI si Moira dela Torre na binayaran siya ng hanggang P5 milyon para mag- perform sa grand rally ng Tropang Angat Buhay sa Zamboanga City Huwebes ng gabi.

Sa Instagram ay inanunsyo na kabilang si Moira sa mga artists na nag-perform sa “people’s rally” nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Cesar C. Climaco Freedom Park.

Isang netizen ang nagkomento na bayad ng mula P1 milyon hanggang P5 milyon ang singer.
Agad namang sinagot ni Moira ang netizen na supporter umano ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Hindi po kami bayad. Nag-volunteer lang din po kami,” giit ni Moira.

Maliban kay Moira, na isang Christian, mapapanood din sa rally sina Yeng Constantino, Erik Santos, Bayang Barrios, Gab Valenciano, at Lei Ramos, at mga bandang Mayonnaise, Moonstar 88 at Rivermaya.