Maymay Entrata hiwalay na sa afam?

ITO ang tanong ng publiko makaraang hindi na mahagilap sa Instagram ang mga photo ng actress-singer kasama ang Canadian boyfriend na si Aaron Haskell.

Isa sa mga kapansin-pansin na tila burado nang larawan ang ipinost ni Maymay noong Valentine’s Day kung saan inihayag niya na si Aaron ang kanyang “true love.”

Ayon sa ilang fans, maliban sa mga buradong photos ay wala nang sini-share na update si Maymay ukol sa kanyang love life.

Matatandaan na sa isang interview noong 2023 ay inamin ng aktres na “sobrang hirap po ng LDR [long-distance relationship].

“Parang kung walang maturity sa relationship, hindi po talaga magwo-work yung LDR,” ani Maymay.

Nasa Pilipinas ang aktres habang naka-base sa Canada si Aaron.

“Mahirap man pero worth it po siya, kasi consistent po siya talaga. Lagi niyang ipinaparamdam sa akin ‘yung suporta niya. Si Lord din kasi, center Siya ng relationship namin. Ayon din ‘yung isang bagay na nagustuhan ko sa kanya—yung faith and wisdom po niya,” wika pa ni Maymay.