Maggie Wilson, business partner may warrant of arrest dahil sa kasong adultery

NAGLABAS ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court laban kay Maggie Wilson at sa business partner niyang si Tim Connor kaugnay sa tatlong counts ng kasong adultery na isinampa ng asawa ng actress-TV host na si Victor Consunji.

Nito pang Lunes nailabas ng Taguig MTC Branch 115 ang warrant of arrest laban kina Wilson at Connor (Tim Jayankura Na Ayudha sa totoong buhay) pero nitong Biyernes ng gabi lamang ito naiulat.

Tig-P36,000 ang inirekomendang piyansa ng korte sa bawat isang kaso para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.

Sa resolusyon ng piskalya, lumabas na mayroong “reasonable ground” para sampahan ng nasabing kaso sina Wilson at Connor.

Isinampa ni Consunji ang kaso makaraang madiskubre na nagtalik sina Wilson at Connor noong Disyembre 2021, Enero 2022 at Pebrero 2022 kahit kasal pa sa kanya ang babae.