Remulla: Bilibid ilipat sa Occidental Mindoro

NAIS ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mailipat sa Sablayan, Occidental Mindoro mula sa Muntinlipa ang New Bilibid Prison (NBP).

“Kung pwede, ilipat ang maximum security sa malayong lugar para hindi na sila nakakapinsala rito,” ani Remulla. “We don’t want them mixing with the population,”

Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na mayroon na siyang napiling lugar na maaaring paglipatan sa NBP at ito ay ang Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Aniya, kasya sa lugar ang 10,000 preso na kasalukuyang nakapiit sa maximum security compound ng NBP.

Inamin naman ng opisyal na matatagal pa bago matupad ang kanyang gusto dahil kailangan ng malaking budget para rito.

“Muntinlupa should no longer be the jail that it used to be,” dagdag niya.