Lolit may warning kay Kyline: Mag-ingat ka, hindi kita uurungan

MAY pagbabanta ang talent manager at showbiz writer na si Lolit Solis kay Kyline Alcantara dahil sa pandadawit umano ng young Kapuso actress sa alaga niyang si Paolo Contis sa breakup nito kay Mavy Legaspi.

Ani Lolit, sa kanyang rant sa Instagram, na nakarating sa kanya ang tsismis na kaya raw naghiwalay sina Kyline at Mavy ay dahil naimpluwensiyahan ni Paolo ang unico hijo nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

“Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi-break kayo ? I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up,” pasaring niya kay Kyline.

“Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka,” dagdag ni Lolit. Sey pa niya, na-shock siya dahil nakakaladkad pa ang pangalan ni Paolo sa breakup ng dalawang Kapuso stars.

“I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me,” pagtataray pa ng 76-anyos na writer.

Dagdag pagbabanta pa niya: “Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan.”

“So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya,” tuloy-tuloy na ratsada ni Lolit.

Giit niya, inosente si Paolo kaya hindi ito dapat sinisiraan ni Kyline.

“Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente,” sey pa ng Lolit na kasalukuyang nagpapa-dialysis para sa kanyang sakit sa kidney.