Leni, Pacquiao ‘heavyweight’ ninang at ninong sa kasal ni Hidilyn

MABIBIGAT na pangalan ang kasama sa mga principal sponsor ng kasal ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz at fiancé nitong si Julius Naranjo.

Sina dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Manny Pacquiao at ilan lamang sa listahan ng mga mabibigat na personalidad na magnininong at ninong sa nalalapit na kasal ni Diaz at Naranjo sa susunod na linggo.

Kabilang din sa mga principal sponsor ay ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan, Ramon Ang, at Teresita Tan Sy-Coson; Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino at PBA chair Ricky Vargas.

Matron of honor naman ang aktres na si Angel Locsin at kabilang sa bridesmaid si Iza Calzado. Ang aktres na si Judy Ann Santos ay kabilang din sa principal sponsor at si Dr. Vicki Belo.

Gagawin ang kasal sa Philippine Military Academy sa Baguio City sa Martes, Hulyo 26, katulad na araw kung kailan nasungkit ni Diaz ang Olympic gold medal sa Tokyo games.

Na-engaged ang dalawa noong nakaraang Oktubre.