Michael V muling nadale ng Covid

INIHAYAG ni Michael V. na muli siyang tinamaan ng Covid-19.

Sa Instagram ay ibinahagi ng Kapuso comedian ang picture ng kanyang positibong Covid test

“Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya….. magha-“HI” lang daw at magpapa-alala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi,” aniya.

“Hindi naman daw talaga s’ya umalis, palipat-lipat lang s’ya g bahay. Kesyo nagbago na raw s’ya; hindi na raw s’ya kasing- lala nu’ng dati.….. pero hindi pa rin ako naniniwala; “Once a killer..” well…” dagdag ni Michael V.

Aniya, dahil sa pangyayari ay naapektuhan ang kanyang trabaho at pamilya.

“S’yempre inabala n’ya na naman ‘yung pamilya ko, ‘yung community namin, ‘yung trabaho ko.….. pati asawa ko dinamay pa!” sey ni Bitoy (palayaw niya).

“Pero hindi ko naman s’ya masisi! Kasi hindi rin naman s’ya nagkulang ng paalala. Talagang matitigas lang ang ulo ng mga tao minsan.”

Pinaalalahanan naman ng komedyante ang publiko na mag-iingat kontra-Covid.

“Kaya Covid, eto ang message ko sa ‘yo: Hindi ka pa rin welcome sa bahay. Pero salamat na rin sa dalaw. Hayaan mo… kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan. Stay safe everyone,” sey pa ni Michael V.

Matatandaan na noong 2020 unang nadale ng nakahahawang sakit ang komedyante.