Kylie: Pahinga muna yung puso

MATAPOS ang breakup sa aktor na si Jake Cuenca, pagtutuunan muna ng beauty queen and actress na si Kylie Verzosa ang pagtatrabaho.

“Pahinga muna ‘yung puso. Work muna. Balik work,” chika niya sa panayam ni Ogie Diaz sa vlog ng huli.

Noong isang linggo kinumpirma ni Cuenca na nag-split na sila ng aktres matapos ang mahigit tatlong taong relasyon.

Payo naman ni Kylie sa mga gaya niya na nakakaranas ng parehong sitwasyon na makakayanin din nila ito.

“Kaya niyo ‘yan […] Take it a day at a time tapos feeling ko time will heal all wounds,” chika niya. “At saka nagpapasalamat talaga ako sa lahat. Nagpapasalamat lang talaga ako sa lahat ng nangyari.”

Inamin naman niya na hindi pa sila nag-uusap ni Jake matapos ang kanilang hiwalayan.

“Hindi kasi kami nag-uusap e,” sinabi niya.

“Pahinga muna. Focus muna, work muna and career.”