Kylie hindi binuntis ni Gerald

TODO-TANGGI si Kylie Padilla sa kumakalat na balita na buntis siya at ang ama ay si Gerald Anderson.

“Wala pong katotohanan sa mga lumalabas,” ani Kylie.

Giit pa ng aktres na walang namamagitan sa kanila at magkaibigan lang sila ng aktor na boyfriend naman ng aktres na Julia Barretto.

“Magkaibigan lang po kami ni Gerald and super professional lang po ang relationship namin, nothing else.”

Naniniwala ang aktres na nagsimula ang tsismis sa mga litrato nila ni Gerald sa Switzerland kung saan kinunan ang pelikula nilang Unraveled.