Kim Chiu, Xian Lim break-up noong pang Oktubre – Ogie Diaz

OKTUBRE pa lang ay hiwalay na sina Xian Lim at Kim Chiu, ayon sa batikang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Sa online show niya na “Showbiz Update” sinabi ni Ogie na hindi third party ang ugat ng breakup.

“Sabi sa akin ng friend ko, wala naman daw third party. It just that, parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal dahil 12 years na sila e,” ani Ogie.

Hindi lang daw maamin ni Kim ang status ng relasyon nila, dagdag ni Ogie, dahil pinoproseso pa nito ang nangyari.

Ilang araw lang nang pagbuburahin ni Xian ang mga video sa kanyang YouTube channel kabilang na ang mga clips na kasama si Kim.