John Lloyd may pasabog sa speech: Mas mabilis pa rin pumatay sa bansang ito

WAGI si John Lloyd Cruz bilang Best Actor ng Gawad Urian para sa pelikulang “Kapag Wala Nang Mga Alon.”

Pinag-usapan naman ang acceptance speech ni John Lloyd dahil sa kanyang pagbanggit sa talamak na patayang nagaganap umano sa bansa.

“Salamat po sa lahat ng manggagawa sa Pelikulang Pilipino na lumalaban para sa mga kwento na dapat lumabas lalo na sa panahon na ito. Tapos na po ba ‘yung dalawang minuto ko? Ang bilis po, pero mas mabilis parin pumatay sa bansang ito,” aniya sa bahagi ng talumpati.

Pinasalamatan din ng aktor ang anak na si Elias at girlfriend na si Isabel Santos sa speech.

Ito ang ikalawa niyang Best Actor trophy mula sa mga manunuri. Nagwagi siya noong 2016 para sa “Honor Thy Father.”