Jim Paredes pinost standee ni BBM; netizens nagwala, inungkat video scandal

PINERSONAL ng netizens ang singer na si Jim Paredes nang mag-post ito ng picture ng standee ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos na nasa likod ng rehas na gate.

Ani Paredes, hindi pinag-isipan ng may-ari ng bahay ang ginawa nito dahil tila kung titingnan ay tila nasa selda si BBM.

“This BBM house owner did not think well when he put this standee by the gate,” caption niya sa Twitter post.

Hindi naman ito pinalampas ng mga UniTeam supporters at pinaulanan si Paredes ng puna.
“Did Jim think well when he polluted the internet of his obscenity?”

“Wala nang power to si Jim mang isulto, manira at mag malinis. Sira na ang kredebilidad nya.”

“Alam mo Jim, tuwing makakakita ako ng post mo, ang unang naaalala ko ay yung hitsura mo na lumalabas labas ang dila doon sa video scandal mo. Just saying.”

‘Pinagisipan mo rin ba mabuti bago ka gumawa ng scandal mo?”

“Bilib talaga ako sa taong ito, bukod sa magaling ng kumanta napakadisente pa nya, hindi siya bastos at napaka wholesome nya. Yan si Jim!”

“Ang hirap talagang maging leni supporter. Araw-araw may kabulastugan.”

“Yung lahat nalang may ibig sabihin. Tawag dyan, malisyoso puro malisya kahit wala naman dapat ikaisip.”

“Gusto din kc nyang ungkatin ang kabastusan nya.”

“Kung ako may ganung scandal hindi na ako magpapakita sa media sa hiya, dahil sa tuwing umepal ka lalabas nanaman yung mga resibo.”

“Mas mabuti sigurong wag ng ipilit kasi mas lalong mauungkat ang mga ginagawa mo lolo.”

“Nagsalita ang disente.”