Janella na-bash dahil sa dialog sa ‘Darna’

BUGBOG-sarado sa basher si Janella Salvador dahil sa binitawan niyang mga salita sa “Mars Ravelo’s Darna” na patama sa mga politiko sa fictional location na Nueva Esperanza.

Dialog ni Janella bilang Regina Vanguardia sa episode ng action-fantasy serye ng Kapamilya network noong Biyernes: “Marami sa atin ang takot sa babaeng ahas, pero alam mo ang mas nakakatakot? Wala pa ring plano ang mga nasa puwesto?”

Nanggigil naman ang tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon at sinabing pinatatamaan ni Janella si Pangulong Marcos.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Wag mong intindihin ung nasa pwesto, ung buhay mo ang intidihin mo dahil hindi ka manlang nag plano.”

“Anong nangyari Inday Janella? Ayusin mo na lang yang pagganap mo bilang ahas.”

“E di sorry na Janella, ikaw na may plano.”

“Kaya ka sguro Iniiwan kasi pangit ugali mo.”

“Buhay mo ayusin mo! wag yong makisawsaw kapa sa gbyerno.”

“Kailangan pala ikaw unang makaalam ng plano sa bansa, ang galing mo nman ikaw na.”

“Ikaw nga nabuntis ng wala sa plano.”

“Sa sunod tumakbo ka Para Alam mo, wag puro arte! Demanding ka maxado. Anung alam mo?”

“Kaya pala pati love life di maayos.”

“Tumahimik ka lang dahil pareho kayo ni LUGAW na walang alam!”

“Pasaway nga sa magulang sa gobyerno p kaya.”

“Isa ka lng artista… ano ang alam mo sa ginagawa ng mga nasa pwsto…. isa ka lng walamg ambag sa gobyerno.”