James Reid lalayasan ang Pinas?

TRUE kayang tatalikuran na ng actor-singer na si James Reid ang showbiz?

Ito ang tanong ng publiko sa naglalabasang chika na magtutungo ng Los Angeles ang ex- boyfriend ni Nadine Lustre upang i-pursue ang kanyang Hollywood dream na maging isang international singer.

Wala pang kumpirmasyon si James, pero sa kanyang Instagram story ay in-upload niya ang photo ng cake na may text na “Bon Voyage and Good Luck Jams Red.”

Ilang malalapit kay James ang sinabing nalulungkot sila sa desisyon nito pero umaasa silang magtatagumpay ito sa US.


Binigyan din nila ng despedida party ang aktor kamakailan.