Ivana ‘di masyadong nag-promote ng movie, inokray ng fans

PINUNA ng fans si vlogger/actress Ivana Alawi dahil hindi umano niya masyadong pinromote ang pelikula nila ni Vice Ganda na “Partners in Crime.”

Ayon kay Ogie Diaz, dalawang beses lang nag-promote si Ivana.

“Kinol-out ng ilang fans ni Vice Ganda si Ivana Alawi dahil hindi raw nagpo-promote si Ivana sa kanyang mga socmed accounts,” ani Ogie.

“Dalawang beses lamang umanong nag-promote si Ivana. Samantalang naikumpara nila itong si Vice Ganda kay Ivana e pareho lang naman silang bida dito ano,” dagdag pa ng vlogger-talent manager.

Ilang beses namang pumunta si Vice sa iba’t ibang sinehan para pasalamatan ang nanood sa kanilang Metro Manila Film Festival movie.

“‘Yan ang hindi natin alam, Kung paano naman at kumusta ang schedule ni Ivana,” ayon kay Ogie.

Sey pa niya, hayaan na lamang ito dahil pumatok naman ang movie.

“‘Wag na tayong ma-shock ‘di ba? Gusto n’yo ba bugbog sila sa kaka-promote pero flop ‘yung movie. O sige, mamili nga kayo? Just look at the brighter side,” chika niya.