Isa pang tiyo ni Jake Zyrus namayapa; ina ng singer waiting sa suporta

NI-FINANCIAL o emotional support ay walang ipinapapahatid ang trans man singer na si Jake Zyrus sa pamilya sa gitna ng pagkamatay ng isa pa niyang tiyuhin, ayon sa ina niyang si Raquel Pempengco.

Sa isang panayam, sinabi ni Raquel na nagtataka siya kung bakit tila nabalewala na ni Jake ang kanilang pamilya.

Giit niya, hindi pera ang isyu niya sa anak na nakabase ngayon sa US.

“It’s not about money…Hindi financial. Sana man lang kahit konting emotional support na, ‘Mommy, kaya mo ‘yan, huwag kang mag-aalala. Ingatan mo ang kalusugan mo’,” paliwanag ni Raquel.

Tanong niya sa anak: “Ganoon ba kalaki ang nagawa ko sa (iyo) para tikisin (mo) kami na pamilya (mo)?” ani Raquel.

“Bakit nagkakaganoon si Charice sa pamilya niya, kung kailan kailangan siya?” dagdag niya.

Nitong Martes ay namatay ang tiyuhin ni Jake na si Rey Relucio sa liver cancer.

Noong April ay magkasunod namang namatay ang lola niyang si Tess Pineda at isa pang tiyo na si Robert.

Ayon kay Raquel, wala ring paramdam si Jake noong mamatay ang dalawa.

“Minsan, gusto ko nang sumuko. Minsan naiisip ko, dapat ako na lang ‘yung namatay dahil wala na akong silbi sa pamilya ko,” aniya.