Hot item: Atong Ang, Sunshine spotted

ANONG meron kaya kina Atong Ang at Sunshine Cruz?

Pinagpipiyestahan ngayon ng mga marites si Sunshine Cruz at ang negosyante na naispatang magkasama sa isang event kamakailan.

Bunsod nito ay muling umugong ang chika na may namamagitan sa dalawa kahit pa naitanggi na ni Atong na nagde-date sila ng aktres.

Ani Atong, isa lamang si Sunshine sa mga naging bisita niyang celebrities sa launch ng kanyang proyekto noong isang buwan.