Heart inisnab nga ba birthday ni Chiz?

LALONG uminit ang mga haka-haka na hiwalay na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero nang hindi umano binati ng aktres at style icon ang asawa sa birthday nito nitong Lunes.

Sa mga nakaraang taon ay hindi umano nakakalimot si Heart na batiin sa social media si Chiz, pero nitong Lunes ay mga bag at promotion lang ang laman ng kanyang Facebook at Instagram pages.

Ipinaalala pa ng kanyang mga followers ang okasyon sa comment section.

“Happy Birthday po to Sen. Chiz.”

“Bakit po hindi mo binati si Chiz? Birthday niya kasi ngayon.”

“Wala man lang greetings, kumare? Sad.”

“Madame, birthday po ng ex niyo.”

Marami ang naniniwala na hiwalay na ang dalawa makaraang alisin ni Heart ang apelyido niyang Escudero sa kanyang Instagram profile name bago umalis ng bahay nila ni Chiz at lumipat ng condo.