Kelot nanghablot sa Edsa, todas sa bus

DEAD on the spot ang umano’y snatcher na nabangga ng bus sa EDSA Busway sa Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa ulat, napisak ang katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki makaraan pumailalim sa bus sa southbound lane ng Edsa sa panulukan ng Main Avenue.

Napag-alaman sa pulisya na nagnakaw sa isang taxi ang lalaki sa labas ng Edsa Busway saka tumakbo sa loob ng bus lane.

Dahil biglang sumulpot, hindi siya nakita ng driver ng bus kaya nabundol.

Nagdulot ng pagkakabuhol-buhol na trapiko ang pangyayari.