GMA teleserye flop dahil kay Bea–Lolit Solis

TILA therapy na para sa may sakit na veteran show biz columnist na si Lolit Solis ang pang-ookray kay Bea Alonzo.

Sa kanyang post sa Instagram, sinisi ni Lolit si Bea at ang itsura ng aktres sa umano’y malamig na pagtanggap ng publiko sa Kapuso series na Start Up PH nina Bea at Alden Richards.

“Sayang naman ang Start Up. Hindi daw masyado tinanggap ang kapareha ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda sa kanya. 

“Mukhang tita Bea si Bea Alonzo kaya mas maganda pang si Yasmien Kurdi na lang sana ang nilagay sa role niya na kitang kita mo na talagang mukhang haggard na si Bea Alonzo. 

“Siguro kundi si Bea Alonzo ang kasama ni Alden, baka bonggang bongga sana ang resulta ng Start Up PH. Baka mas mataas rating at lalong dadami everyday dahil maganda ang pagkakagawa,” sunod-sunod na hanash ni Lolit.

Sinisi rin niya si Bea, na tinawag niyang laos, dahil nahawa sa pagka-jinx nito si Alden.

“Pag wala naman star power, dapat mabait noh, huwag maarte,” dagdag ni Lolit.