GMA-7 suportado si Bea vs bullies

NAGPAHAYAG ng suporta ang GMA-7 sa aktres na si Bea Alonzo laban sa serye ng pambu-bully rito ng ilang entertainment writers, partikular si Lolit Solis.

“Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso.

“Masaya kami sa magandang pagtanggap ng Filipino audience sa Start-Up PH at sa mahusay na pagganap ni Bea sa kaniyang role katambal ni Alden Richards.

“Nagpapasalamat kami sa fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal.

“Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa.

“Maliit ang industriya ng show business, hangad namin ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa,” ayon sa kalatas ng network giant.

Mula sa ABS-CBN ay lumipat sa Kapuso Network si Bea noong July 2021.