Gigi De Lana sa nagnakaw ng pampagamot sa inang may cancer: Di na kayo naawa

IBINAHAGI ng singer na si Gigi de Lana ang mga larawan niya makaraan ang aksidenteng kinasangkutan niya at mga kabanda sa La Union kamakailan.

Kalakip naman nito ang pakiusap na sana ay tigilan na ang pang-scam sa kanya sa gitna ng kinakaharap niyang problema na pagpapagamot sa ina na may cancer.

“Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident ang dami na nang scam sakin. Ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama,” aniya.

“Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng ‘get well soon po kay maam gigi’ tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. 😭 Grabe kayo. Di na kayo naawa,” dagdag ni Gigi.

Sinabi rin niya ang rason kung bakit shinare niya ang mga photos ng kanyang aksidente.

“Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still,” sambit niya.