Edward Barber gustong maging pastor

MALIBAN sa pagiging artista, pangarap din ng Kapamilya matinee idol na si Edward Barber na maging pastor sa kinaaniban na Christian ministry.

Sa isang panayam, sinabi ni Edward na sa kanyang pagse-serve linggo-linggo sa kanilang church ay natagpuan niya ang kanyang “calling.”

“Nahanap ko ‘yung balance sa buhay ko sa labas ng industry at ‘yung ginagawa ko sa loob ng industry,” sey niya.

“May mga bagay na I’m not willing to sacrifice it or mas importante ‘yun kesa ‘yung job here and there sa loob ng industry,” dagdag niya.

Ang tinutukoy niyang “purpose” sa buhay ay ang maging pastor.

“I love ABS-CBN. I love my family here. But at the end of the day, it is work. And I have other people that I love too outside…I wanna be in a ministry…not a priest but a pastor. Maybe one day,” pahayag ni Edward.